Blogger makes fun of Duterte

PRESIDENT-ELECT D*&%!^3 – EXCLUSIVE!

by The Professional Heckler

“The problem with political jokes is they get elected.”

(see also Mickey Bustos, https://www.youtube.com/watch?v=laa0wrASJ4U)

PRESIDENT-ELECT Rodrigo Duterte granted this blogger an exclusive interview but questions were pre-screened by his staff. Here’s the unedited transcript.
Good evening Sir! President ho ba o mayor ang itatawag ko sa inyo?

Aba, iwan ko sa ‘yo. Pati ba naman ‘yan prublimahin ko pa?

Sige po. Unang tanong ko ho sa inyo: ano ang

Unang tanong? ‘Di ba nagtanong ka na kanina? Pangalawa na ‘yan. ‘Di ka marunong magbilang.

Sorry po. Diretso na ho tayo. Nakakailang ‘putang-ina’ ho kayo sa loob isang linggo?

Dipindi. Pag nanood ako sa news tapos nakita ko ang CBCP, “putang-ina!” ‘Pag nakita ko si De Lima, “putang-ina!” ‘Pag natrapik ako, “putang-ina.” ‘Pag nakarinig ako ng balita sa druga, “putang-ina!” More or less, mga labinlimang putang-ina every week.

Marami ho ba ‘yon o konti lang?

Kunti pa ‘yun. In fact, mas marami bago mag-eleksyon. Kasi, sabi ng advisers ko, “You speak the language of the masses para maka-relate sila sa ‘yo.” Eh ‘di yun nga ng ginawa ko, nag-putang-ina ako sa interview, nag-putang-ina ako sa campaign, nag-putang ina ako sa social media. Natuwa naman ako kasi bintang-binta nga sa tao. Ang lakas ng palakpak. Haha Kaya pasalamat ako sa advisers ko. Ang uutak nila, putang-ina!

Marami ho ang tutol sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

So anong problima mo? Marcos might not really be a hero, I accept that proposition, maybe. But certainly he was a soldier.

Tama ho. Sundalo siya. Pero ang tawag, ‘Libingan ng mga BAYANI.’ Nabago na ho ba?

Putang-ina namimilosopo ka pa. MY DECISION IS FINAL. Magpakamatay ako sa desisyon ko na ‘yan, panindigan ko.

Nagbabasa ba kayo ng Bible?

Before. Noong nasa Ateneo pa ako.

Hindi na po ngayon?

Sabi ko, ‘before.’ Hindi mo naintindihan ang before?

Before. Hehe Ano po ang favorite n’yong story sa Bible?

Isa lang. Nang patayin ni God ang mga drug pusher, drug addict, magnanakaw at iba pang masasamang tao sa mundo. Wala nang kulong-kulong o kaya trial-trial. Patay agad! Sabi ko, paglaki ko, gagayahin ko si God. So far, so good. Natupad naman ang dream ko.

Meron ho ba kayong favorite book sa Bible?

Marami. Genesis. 1 Corinthians, 1 Samuel, 2 Timothy, 2 Fast, 2 Furious.

Hindi ho book sa Bible ‘yan. Pelikula ho ‘yan.

Pelikula ba ‘yun? Nabago na pala?

Before.

Yawa!

Kung kayo raw ang masusunod, mas gusto n’yo ang tatlong anak lang?

Oo. Kasi mahirap kapag marami ang anak mo. Tapos wala kang ipakain? Patay kang bata ka.

Eh ba’t kayo ho, apat na ang anak.

Di mo kasi nakuha boy! Tatlo ang anak ko sa aking unang asawa. Ok na ‘yun. Dito sa pangalawa, isa pa lang. So allowed pa ako ng two more. Bobo ka rin ‘no?

 

 Duterte's son 'Baste', is also a known womanizer.

Duterte’s son ‘Baste’, is also a known womanizer. (Photo:MindaVote2016)

Si Baste ho, dalawa na ang anak sa magkaibang babae. Wala pa ring asawa. Ok ba sa inyo ‘yun?

Anong magawa ko? Mana sa akin eh. Guwapo. Pero sabi ko nga sa kanya, ‘wag ka nang magpatol sa social media. Kasi ang dami d’yan sa Twitter, sa Facebook, sa Instagram, gustong paanak sa kanya. Itong mga millennials talaga, tatanga-tanga. Mali-mali naman ang grammar. Tang-ina.

Kasama pala sa security detail n’yo ang Filipino-Romanian policewoman na dating Miss Earth Philippines candidate. Ang ganda nun! Sinadya ho ba ‘yun?

Let me explain bago kayo mag-conclude mga putang-ina n’yo. Wala akong kinalaman sa assignment ng security ko. Sila ang pumili n’yan. Kaya kung nakikinig ka ngayon Lourd De Veyra…

Teka, bakit ho nadamay si Lourd?

Eh kasi sa Facebook, ipinost niya ang news tungkol sa magandang pulis na babantay sa akin, ‘tapos ang sabi niya, hashtag #AlamNaThis! Tangina mo. Hashtag buwang ka! Pastilan!

Pag-usapan ho natin ang inauguration n’yo. Limang minuto lang daw ang speech n’yo?

Totoo ‘yan. ‘Di naman kailangang mahaba eh. Ma-bore man ang audience ko. Sabihin ko lang dun ang mga gusto kong patayin at buhayin sa next six years, ok na ‘yun.

Excited na ba kayo sa oath taking?

Siyempre naman. At baguhin ko rin ang lines sa oath taking ko. Paigsiin ko rin para mas mabilis. Sabihin ko lang, “I, Rodrigo Roa Duterte, do solemnly swear.” Swear talaga? Putang-ina. Sakto. So help me God. Thank you!

Isyung showbiz naman ho tayo para maiba. Sabi sa news, nag-split na raw sina Enchong Dee at ang girlfriend niya. Bilang isang ama, ano pong maipapayo n’yo sa kanila?

Split? Saan sila nag-split? Sa sahig?

Hindi ho! Split. Meaning, break na sila.

Ahhhhhhh. Gago ka! Hindi mo agad nilinaw. Baka ma-bash ako ng fans ni Enchong. Ayaw kong makialam sa kanya. Pirsunal nila ‘yun. Ipakilala ko na lang siya kay Baste. Matuwa pa siya.

Si Enchong ho?

Bobo! ‘Yung babae. Sabi mo break na sila? Eh ‘di yung babae. Ipahamak mo pa ako gago!

Totoo ho bang may itinatago kayong sakit?

Hindi totoo ‘yan! Kung sinuman ang nagpakalat ng tsismis na may sakit ako, may cancer ako, o may lupus ako, dadapuan siya ng karma. Mamamatay siya mamayang 9:46 ng gabi.

Saktong oras talaga? Last na po Sir. Sabi ho n’yo mawawala na ang pagmumura n’yo kapag naproklama na kayo bilang pangulo. Hindi kaya ‘yan ang ikamatay n’yo?

Posible. Kaya hangga’t may time pa, lulubus-lubusin ko na. Putang-ina mo. Putang-ina n’yo! Thank you!

Maraming salamat Mr. President. ‘Ina mo rin!

Gago!

———————————————————————————————————————-“Class is knowing what to say, when to say and when to stop.”
~Anonymous

Inaugural
President-elect Rodrigo Duterte says his inaugural speech won’t last more than 5 minutes. He’ll just spend the rest of the inaugural ceremony killing time.

Mayor Duterte says his inauguration will be very simple. Only finger food will be served at noontime and eating will not be allowed after that. That’s the reason why Sen. Franklin Drilon is not attending the event.

Sound Bites
“Kasali ‘yun sa buhay ko. Kapag nawala ang mura ko, patay na ako ibig sabihin. Ganon ang lenggwahe ko. That is my universal identity.”
~President-elect Rodrigo Duterte

Fine.

I am on Twitter: @HecklerForever.